Wednesday , October 21 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Katorse ‘pinapak’ ng poultry caretaker

Katorse ‘pinapak’ ng poultry caretaker

LUCBAN, Quezon – Walang-awang ginahasa ang 14-anyos dalagita ng poultry farm caretaker sa Bgy. Kabatete sa bayang ito.

Itinago ang biktima sa pangalang Laura, re-sidente ng nasabing lugar, habang nadakip agad ang suspek na si Namesio Misterio, 24, ng nasabi rin lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong 6 p.m. kamakalawa nang pasukin ng suspek ang kubo ng dalagita habang wala ang mga magulang.

‘Pinapak’ ng suspek ang murang katawan ni Laura at nang makaraos ay nagbanta na papata-yin ang buong pamilya kapag nagsumbong ang biktima sa kanyang mga magulang.

Ngunit naabutan ng mga magulang ng biktima na nakapatong pa ang suspek sa dalagita.

Bunsod nito, agad tumakbo ang suspek at tumalon sa bintana ng kubo bitbit ang pantalon at brief.

Mabilis na nadakip ng mga awtoridad ang suspek  sa  follow-up operations.

(RAFFY SARNATE)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top