Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Ina kinain ng 3 anak (‘Aswang’ hindi manggagamot)

Ina kinain ng 3 anak (‘Aswang’ hindi manggagamot)

COTABATO CITY – Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang kaso ng pagpatay ng tatlong anak sa kanilang sariling ina sa Purok Maligaya, Brgy. Kamasi, Ampatuan, Maguindanao.

Ayon kay Brgy. Chairwoman Soraida Mamaluba, ginagamot ‘umano’ ng tatlong albularyong anak ang kanilang ina sa pamamagitan ng pagpaso sa katawan gamit ang mainit na kutsara at hinihiwa pa ang balat dahil may pumapasok anila na masamang espiritu hanggang bawian ng buhay ang ginang.

Idinagdag ng opisyal, kumalat sa kanilang bayan na may lahing aswang ang mga suspek.

Sinabi rin ng mga kapitbahay sa pulisya na hindi albularyo ang tatlong anak ng biktima.

Nakita ni Nads Amin na sinisipsip ang dugo at kinakain ang laman-loob ng kanilang ina ng kanyang tatlong anak habang ginagamot.

Dinakip ng mga operatiba ng pulisya ang tatlong anak na nagsabing ginagamot nila ang kanilang anak.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top