Saturday , October 24 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Buntis, 5 pa dedo sa dumptruck

Buntis, 5 pa dedo sa dumptruck

KIDAPAWAN CITY – Anim ang patay, kabilang ang isang buntis, at isa ang sugatan matapos araruhin ng dumptruck ang pampasaherong traysikad dakong 7 p.m. kamakalawa sa Brgy. Batulawan, Pikit, North Cotabato.

Kinilala ang mga namatay na sina Ibrahim Casanova, Rakma Casanova, Tayan Zakalia, Abil Kamid, Bagits Alimudin at ang limang buwan buntis na si Mia Casanova.

Habang sugatan ang isang Rahim Casanova.

Ayon sa ulat ng pulisya, mabilis ang takbo ng traysikad at nag-overtake sa isang tricycle ngunit nakasalubong nito ang dumptruck na naging dahilan ng insidente.

Sinasabing inararo ng dumptruck ang traysikad hanggang magkalasog-lasog ang katawan ng mga biktima.

Mabilis na nakatakas ang driver at helper ng truck na hindi pa nakikilala.               (BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top