Wednesday , October 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Bungo ng trike driver pinasabog

Bungo ng trike driver pinasabog

NAKUHANAN  ng CCTV camera sa katabing barangay hall ang malapitan pagbaril ng isang suspek sa sentido ng  tricycle driver habang nasa harap ng isang tindahan sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Naitakbo pa sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Antonio Dio-quino, 33, residente sa 2426 Lakandula St., Tramo.

Ayon sa pulisya, dakong 2:44 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa harapan ng Bustamante Store sa Tramo, malapit sa panulukan ng Arnaiz Avenue.

Sinabi ni Pasay city police chief Senior Supt. Florencio Ortilla, nakita sa video na umiinom ng soft drinks ang biktima kasama ang kaibigan na kinilalang alyas Junjun Tikwas, nang lapitan ng suspek, may taas na 5’4, nakasuot ng asul na bull cap, puting t-shirt at purontong. (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top