Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ama ni Regine na si Mang Gerry, pumanaw na

Ama ni Regine na si Mang Gerry, pumanaw na

SUMAKABILANG buhay na ang tatay at mentor ni Regine Velasquez na si Mang Gerardo ‘Gerry’ Velasquez kahapon ng tanghali sa rati nitong sakit.

Tanda namin ay labas pasok sa ospital ang tatay ni Regine noong nakaraang taon at sa huling pakikipag-usap namin sa kanya sa album launching niya ay nabanggit niyang bumubuti na ang pakiramdam ng ama at umaasang makakasama pa nila ito sa Pasko (2013).

Si Mang Gerry ay kay Cacai Velasquez-Mitra nakatira, ayon kay Songbird at kahapon ay pumunta sila ng ospital para magpa-check up, pero bandang 2:00 p.m. ay nakatanggap na kami ng balitang wala na nga ang tatay nina Regine.

Bale ba, may presscon pa si Regine kahapon din ng tanghali para sa show nila ni Martin Nievera at siya pa ang nagsabing nagpapa-check up ang ama.

Our condolences to the Velasquez Family.

ni Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top