Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ikinasal sa ex-BF sa dream

Ikinasal sa ex-BF sa dream

Gud pm po sir,

Naisipan ko mgtxt dahil nngnip ako na kinasal dw s ex-bf ko, dati ko nman nppnaginip about s ksal, peo ngaun s ex ko. pls need ko answer d2, medio nguguluhn kasi po ako, jst kol me rosie, wg nyu na po print s diario CP no ko..slmat..

To Rosie,

Kapag nanaginip ng hinggil sa kasal, ito ay maaaring nagsasaad ng ukol sa commitment, harmony o transitions. Ito ay nagpapakita rin na ikaw ay sumasailalim o sasailalim pa lamang sa isang mahalagang kabanata sa iyong buhay. Ang panaginip mo ay posibleng nagsasabi rin ng pagsasama ng mga aspeto ng iyong pagkatao na noon ay magkakasalungat. Tignan ang mga katangian ng taong napanaginipan mong iyong pakakasalan o naging asawa dahil maaaring kailanganin mong isama sa iyong pagkatao ang mga karakteristik na ito. Kapag nanaginip na nagpakasal ka sa ex mo, ito ay nagpapakita rin na tinanggap mo na ang mga aspeto ng inyong relasyon at natuto ka na sa mga nakalipas na pagkakamali na may kaugnayan dito. Alternatively, nagsasaad din ang bungang-tulog mo ng pagkakahawig sa kasalukuyang karelasyon, kung mayroon man, sa naging relasyon ninyo noon ng iyong ex o sa dating karelasyon. Subalit dahil alam mo na ang mga pagkakapareho o pagkakahawig na ito, ito ay nagsisilbing paalala rin sa iyo upang huwag nang maulit ang mga pagkakamaling nagawa noon na nagbigay sa iyo ng labis na sakit at pighati. Mag-ingat o huwag magpada-los-dalos sa mga desisyong gagawin ng may kaugnayan sa love o relationships.

Señor H.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top