Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Etits ni Vhong buo pa rin – Cedric Lee

Etits ni Vhong buo pa rin – Cedric Lee

IGINIIT ng kampo ni Cedric Lee, negosyanteng inaakusahan ng pambubugbog, hindi totoo ang mga ulat na sinadyang pinsalain ang maselang bahagi ng katawan ni Vhong Navarro

Ayon kay Atty. Howard Calleja, ang ginawa lamang ng kanyang kliyente ay pagtatanggol sa isang babaeng inaabuso at hindi ang sadyang pamiminsala sa private parts ng naturang aktor.

Samantala, sa hiwalay na impormasyon mula sa kampo ni Vhong, sinabi ng mga doktor na hindi nagkaroon nang malaking pinsala sa lower extremities ng aktor at ang matinding pinsala ay nasa mukha, lalo na sa parte ng ilong.

Una rito, kumalat sa social networking sites ang mga impormasyon napinsala na ng pagkalalaki ng aktor.

May mga balita pa na “pinitpit” ito ng baril o ano mang matigas na bagay.

Sa nakaraang mga pagsusuri, lumalabas na mali ang mga ulat na iyon dahil nakaiihi nang normal si Vhong at walang mga artipisyal na kagamitan sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top