Wednesday , October 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Claudine Barretto masuwerte, nakakuha ng totoong kaibigan sa katauhan ni Atty. Ferdinand Topacio (Sa dami ng mga user at plastic sa showbiz!)

Claudine Barretto masuwerte, nakakuha ng totoong kaibigan sa katauhan ni Atty. Ferdinand Topacio (Sa dami ng mga user at plastic sa showbiz!)

Very lucky itong si Claudine Barretto at nakakuha siya ng totoong kaibigan sa katauhan ng celebrity at seasoned lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio. Na hindi lang loyal sa actress kundi may concerned pa sa kanya at dalawang anak na sina Sabina at Santino. Sa ngayon, although marami pa rin naman diyan pero bibihira ka na lang makakakita ngayon ng taong matapat sa ‘yo. Saka kita niyo naman kahit na anong pang-iintriga pa ang gawin kay Atty. Topacio na to the extent ay pinagbibbintangan pa sila na may itinatagong relasyon ni Claudine. Pero hanggang ngayon ay hindi pa ri niya iniiwanan ang controversial actress dahil alam niya sa mga panahong ito na may ipinaglalaban si Clau ay kailangan siya nito. Natutuwa naman ang labs at BFF naming si Atty. Ferdie at medyo kalmado na ang bawat kampo. Oo nga! pansinin niyo para matagal ng hindi nag-iingay si Raymart Santiago at kampo nito. But, tuloy pa rin ang battle sa pagitan ng dating mag-asawa. ‘Yung kay kaso na isasampa nina Mommy Inday at Daddy Mike Barretto laban sa anak nilang si Gretchen Barretto ay posibleng tuloy pa rin daw ‘yun sabi, pa ng abogadong hindi nawawalan ng kliyente from the industry, politics at malalaking tao sa lipunan. Dahil sa sarap makisama at sobrang galing niya sa kanyang field. Samantala, kagagaling lang pala ng nasabing globally famous lawyer sa bansang Hongkong kung saan sinamahan nito sa isang importanteng business meeting ang kaibigang si dating First Gentleman Mike Arroyo. Ngayon, ay abalang-abala naman si Atty. Ferdie sa kanyang sosy Law Office, sa Ground Floor ng Skyway Twin Towers, H Javier St., sa Pasig City. Ikaw na kasi ang maging in-demand di ba? Very popular gyud!

Hunky Artist Tyrone Oneza, Hinulaang Sisikat

At Papatok Ang Album

Na-invite kami ng fast-rising recording hunky artist na si Tyrone Oneza, sa kanyang sosy condo sa bandang Timog Avenue. Honestly, hindi pa rin nagbabago ang kaibigan namin singer na since 90’s ay suportado na namin ang career. Kung ano siya before na ma-PR sa entertainment press ganito pa rin siya ngayon at di talaga pinagbabago ng panahon. Samantala, may nakausap kaming sikat na manghuhula noong isang araw, at nang i-request namin na bigyan nito ng prediction si Tyrone at kung ano ang magiging kapalaran ng self-titled album ng singer na “Tyrone Oneza Dito Sa’king Piling” na nakatakda na ngang i-release soon sa hindi pa puwedeng sabihin ngayon kung anong label. Mabilis na tugon ng psychic, hindi lang papatok ang album ni Tyrone kung saan tatanggap raw ito ng Gold Record Award at iba pang parangal sa mga Music Award Giving bodies tulad ng Star Awards for Music at Aliw Awards. Maganda raw ang vibes niya sa kaibigan at sinusuportahang artist(Tyrone) ni Ms. Jackie Catienza kasi mahal nito ang kanyang propesyon at sincered sa lahat ng kanyang mga tagahanga. Naniniwala kami sa mga si-nasabi ng naturang psychic dahil, siya rin ang mismong nanghula noon na sisikat ng husto sa Music Industry sinuportahan na noong April Boys na kinabibilangan nina April Regino, Jimmy at Vingo. Aside sa nalalapit na release ng album ay pinaplantsa na rin ang gagawing bonggang bonggang launching para rito. Inaayos na rin ang Mall Tour ni Tyrone at ngayon ay bising-busy siya sa kanyang radio tour sa mga FM and AM station.

Parami Nang Parami Ang Fans Ni Aleng Maliit Ryzza Mae Dizon

Ngayong 2014 ay mas lalo pang dumami ang fans ni Aleng Maliit Ryzza Mae Dizon. Yes, at sa dami ng kanyang supporters madalas ay hindi na nakakapasok ‘yung ibang studio audience na gustong manoood ng kanyang daily Morning Talk Show na “The Ryzza Mae Show” na umi-ere bago mag-Eat Bulaga sa GMA 7. At hindi lang mga kapuwa Pinoy natin ang audience ngayon ni Ryzza pati mga foreigner ay tagahanga na rin ni Aleng Maliit na di lang nag-eenjoy sa kanyang show kundi sa kanyang pagiging bibo sa ere. At wala na ring pahinga si Ryzza sa dami ng mga gustong magpa-picture at magpa autograph sa kanya na kanya namang pinagbibigyan. Kaya naman love na love siya ng lahat. Tuloy-tuloy pa rin ang pamimigay ng cash ni Aleng Maliit sa kanyang Picture o Tanong. Samahan siya at ang kanyang mga special celebrity guest sa The Ryzza Mae Show na ang director ay si Poochie Rivera.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top