Wednesday , October 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Airport Police Officer Alday mas gustong maging ‘parking boy kaysa pulis!?

Airport Police Officer Alday mas gustong maging ‘parking boy kaysa pulis!?

ISANG Airport police officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 4 na kinilalang isang alyas ALDAY ang inireklamo ng mga empleyado ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan dahil sa pakikialam sa parking slot na ibinibigay sa kanila.

Wala umanong ginawa itong si Alday kundi bantayan ang parking space na nakatalaga sa mga government employees sa NAIA T4.

In short, binabakuran ni Alday ang parking area dahil ayaw ipagamit sa kanila.

Bakeeet?! Anong dahilan!?

Si Airport Police Alday ba ang may-ari ng parking area sa NAIA T4?!

Imbes ang sitahin ni Alday ay mga yellow taxi at iba pang sasakyan at mga illegal solicitors ng mga pasahero ‘e ‘yung parking slot ng mga empleyado ang pinag-iinitan.

Ang sabi ng ilang airport police, pinagkikitaan kasi ang parking slot na ‘yan para sa mga sumasalubong o sumusundo sa NAIA T4?!

Airport Police chief, ret. Gen. Jesus Gordon Descanzo Sir, mukhang may bago ka na namang ‘lilinisin.’

Pakibusisi na nga po ‘yang pinaggagawa ni ALBAY ‘este ALDAY sa NAIA T4. O baka naman gusto n’ya na maging parking boy na lang imbes airport police!?

Salamat po, Gen. Descanzo!

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top