Wednesday , October 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Death Penalty ibalik laban sa mga kriminal!

Death Penalty ibalik laban sa mga kriminal!

00 Bulabugin JSY

MULI na namang nabuhay ang isyu ng pagbabalik ng DEATH PENALTY bilang capital punishment sa mga taong nakagawa/gumawa ng karumal-dumal na krimen.

‘Yan ay sa gitna ng mga nagaganap na pamamaslang ng mga riding in-tandem, rape-slay sa mga menor de edad, nakawan at walang takot na tulakan (bentahan at proliferation) ng droga.

Hindi na nga malaman ng mga awtoridad kung ‘yung riding in-tandem na ‘yan ay hired killers, pulis o vigilante.

Karamihan din sa mga pamamaslang na nagaganap ay sinasabing drug related.

Isa sa mga panukalang batas sa pagbabalik ng death penalty ay ini-sponsor ng magkapatid na mambabatas na sina Rep. Rufus Rodrigues at utol niyang si party-list Rep. Maxie Rodriguez.

Death penalty ang isinusulong nilang parusa sa sino mang DAYUHAN na mahuhuling sangkot sa illegal na droga.

Ganyan sa China, Singapore, Malaysia at iba pang bansa ‘di ba? Outright death penalty pagkatapos litisin at napatunayang nagkasala sa kanilang anti-illegal drug law. Sorry na lang, kahit saang nasyon ka pa galing, BITAY talaga kapag napatunayan na nilabag ang batas nila.

Ganyan ang layunin ng panukala ng magkapatid na Rodriguez, bitay sa mga dayuhang drug courier.

Pabor tayo d’yan. Lalo na nga’t karamihan ng nagaganap na pamamaslang lalo na ‘yung rape slay ay drug related cases.

Sa totoo lang, dito lang naman sa bansa natin nagiging talamak ang ganyang mga kaso kasi nga sa ibang bansa, ang pagpapatupad nila ng batas ay deterrent sa paggawa ng mas malalang krimen.

Kalimutan na po muna natin ‘yang PRO LIFE, PRO LIFE, dahil kahit naman po ‘yung Dakilang Lumikha, ayaw niyang tino-tolerate natin ang pang-aagrabyado sa kapwa.

Kaya nga naging talamak ‘yang ilegal na droga na ‘yan dahil walang deterrent ang pagpapatupad ng ating batas laban sa mga kriminal.

Kung magkakaroon pa ng plebisito, ako po mismo ay mangangampanya, BITAY laban sa mga sangkot sa ILEGAL na DROGA!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top