Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Chinese Diplomat ini-exclude ng BI monitoring officer (TCEU) at supervisor (Onli in da Filipins!)

Chinese Diplomat ini-exclude ng BI monitoring officer (TCEU) at supervisor (Onli in da Filipins!)

00 Bulabugin JSY

HINDI kaya magkaroon na naman ng malaking isyu sa relasyon ng China at Philippines dahil sa isang nakahihiyang sitwasyon na naranasan ng isang Chinese Diplomat sa Ninoy Aquino International Airport  (NAIA) Terminal 3 kamakailan.

Dapat din sumailalim sa re-training si Immigration Supervisor Lyn Austria at Immigration Officer Joan Ruiz matapos magpakita ng kaignorantehan sa pagpo-profile ng mga pasahero sa airport.

Nitong Enero 6, isang Chinese diplomat na kinilalang si Zheng Wanming, ang dumating sa bansa mula sa Shanghai China.

Si Zhen Wanming, may passport no. G 58248273

SN 446268, ay isang foreign government official na nagpunta sa bansa para tumulong sa mga biktima ng Yolanda.

Kung properly coordinated, dapat ay mayroong itinalagang tao para sumalubong sa kanya o mag-asikaso. Pero hindi ganito ang nangyari.

Gayon pa man, mayroong nakalagay sa kanyang passport na siya ay “Foreign Government Official” at mayroong 9 (e-2) kaya supposedly ay dapat bigyan siya ng kortesiya.

Pero nang mapansin ng isang Immigration monitoring officer na si IO Joan Ruiz na walang ‘return tickets’ ay agad ini-exclude ‘yung Chinese diplomat.

Sinang-ayonan din ni Supervisor Austria, dahil nang interbyuhin daw ay hindi makapagsalita ng tamang English kaya ini-hold ang nasabing pasahero.

Anak ng tokwa!!!

Kung hindi pa tumawag ang Chinese ambassador kay Immigration Comm. Fred Mison ay hindi pa makalalabas ang Chinese official sa airport.

WTF!!!

Dahil dito, nalagay talaga sa isang malaking kahihiyan ‘yung Chinese diplomat.

Pero mas naging kahiya-hiya umano ‘yung Immigration monitoring officer at ang kanyang supervisor dahil lumalabas na wala pala silang alam sa trabaho nila!?

Hindi nila alam na kapag 9 (e-2) visa ay hindi na kailangan ng airline return ticket dahil sa kanilang estado o pwesto sa gobyerno.

Pero mukhang hindi raw ito alam ni Ruiz at ng kanyang supervisor.

Sa totoo lang, hindi lang si Ruiz at ang kanyang supervisor ang nalagay sa kahihiyan kundi ang buong taga-Immigration na nakatalaga d’yan sa BI-NAIA.

Kumbaga, pati sila nadamay sa kahihiyan.

Tama ba ako BI-AOD Head Ms. Marie Vitan!?

Mukhang kailangan ipa-kastigo ni Immigration Commissioner Siegfred Mison sa BI Board of Discipline ang dalawa.

Tsk tsk tsk…

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top