Saturday , October 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Xian, binastos si Kim Chiu kalokalike (Parang diring-diri rin na panay ang layo…)

Xian, binastos si Kim Chiu kalokalike (Parang diring-diri rin na panay ang layo…)

ni   ROLDAN CASTRO
HABANG  nag-i-enjoy kami ng Chinese New Year dito sa Hongkong, pinag-uusapan naman sa social medial at ng ilang kasamahan sa press ang pambabastos umano ni Xian Lim sa ka-look-alike ni Kim Chiu sa live countdown ng Banana Nite para sa Chinese New Year na ginanap sa tapat ng Sta. Cruz Church sa Manila.

Habang kumakanta si Xian ng So Its You, pinalabas sa stage si Kim Chiu look-alike. Parang diring-diri umano si Xian. Hindi lang isang beses na tinawag niya ang Kim Chiu kalokalike as Bea Binene at may show daw sa GMA sabay layo na para bang mabaho ang girl.

Maraming comments sa FB na naawa sila sa kalookalike ni Kim dahil nagmukhang tanga sa stage dahil kay Xian. Napaka-hard ng dating, napaka-rude. Parang walang galang sa babae.

Sabi nga ng isang entertainment editor: “Hindi manhid ang publiko para hindi maramdaman ang pambabastos niya sa kalokalike ni Kim Chiu sa Chinese New Year Countdown.”

Nakuha rin namin ang comment ng isang staff ng Banana Nite: “Hi friend Roldan Castro medyo nagulat nga rin kami kay Xian. We know him as mabait and matino at game naman sa mga joke sa show. At dahil comedy show kami, surprise ang paglabas ni Kim Chiu kalookalike. ‘Di ito scripted. Naisip kasi namin na parang prank na naroon si Kim Chiu, pero lookalike lang. Kaso nga lang, hindi n’ya sinakyan. In behalf of the show, lumapit ako kay Kim Chiu lookalike at humingi ng sorry. Okey lang naman daw.”

Ikababagsak ng popularidad

Mukhang nawiwili na si Xian sa pambabastos isyu. Una na rito ay noong magreklamo rin ang kaibigang Jobert Sucaldito na nabastos sila ni Ahwel Paz habang kinakapanayam ito sa programa nila sa DZMM.  Nag-walk-out daw si Xian nang tanungin tungkol kay Kim Chiu. Sana ay maghinay-hinay siya at maging aware sa attitude  niya. Baka ‘yan ang ikabagsak ng popularidad niya! Dapat humble pa rin siya kahit sikat siya ngayon dahil sa tulong ng love team nila ni Kim Chiu,huh!

Speaking of Banana Nite, magse-celebrate na rin sila ng first anniversary ngayong Febraury 25. Love month at anniversary  month ng Kapamilya comedy show dahil 9th Anniversary na rin ng Goin’ Bulilit sa Februay 5 at 2nd anniversary din sa February 25 ng  youth oriented show na Luv U.

Kevin, ‘di nawawalan ng proyekto sa GMA

MASUWERTE si Kevin Santos dahil isa siya sa produkto ng Starstruck na hindi nababakante ng proyekto. Sa February 12 ay mapapanood din siya sa horror movie ng GMA Films na Basement. Magaling kasi ang manager niyang si Joe Barrameda.

Naikuwento ni Kevin na  hindi siya matatakutin sa tunay na buhay kahit nadiskubre niya na may third eye siya at nakakakita ng multo.

First encounter daw niya ay isang white lady sa Bulacan na nagbakasyon sila ng mga friend niya. Tapos noong gabi ay nagpakita sa kanya. Para kasi siyang namamahay that time at hindi basta-basta nakatutulog.

Sa pinag-shooting-an naman nila ng pelikula ay wala raw siyang nakita o naramdaman.

Pero nakakita na naman siya nang mag-ghost hunting sila ng mga kasamahan niya sa StarStruck gaya nina LJ Reyes, Mike Tan na may mga third eye rin.

“Nag-ghost hunting kami sa Clark, sa may abandoned hospital. Iyon naman kasi parang reunion namin ng mga ka-batch ko sa ‘StarStruck’ so parang Christmas party ‘yun and ginanap ‘yun sa Pampanga, tapos ‘yung isang ka-batch namin nagyaya siyang mag-ghost hunting, sa Clark. Nakakita talaga ako ng ano, lalaking walang ulo. Para siyang karpintero ‘yung suot niya na something na parang ganoon.”

Hindi raw natakot si Kevin.

“Hindi. Kasi ang dinaanan lang namin , ano parang fire exit lang kasi sobrang dilim, so habang pumapanhik kami, may door doon na naaninag ko lang siyang ganoon. Tapos dire-diretso na, deadma na lang kasi marami naman kami.

“Nakakatakot din pero parang maa-amazed ka lang kasi, ‘Ay totoo pala ‘yung kuwento.Pero roon sa mga hindi nakakakita parang sasabihin sa iyo, ‘Ay talaga?’ Na parang haka-haka lang pero ‘pag nakakita ka na, iyon pala totoo pala siya,” sey pa ni Kevin.

Matteo at Sarah, paikot-ikot ang relasyon?

KINULIT ng movie press si Matteo Guidicelli kung ano na talaga ang real score sa kanila ng rumored girlfriend niyang si Sarah Geronimo sa presscon ng bagong TV show na The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles.

May influence rin ba sa fitness ang partner niya gaya ng sinabi ng coaches ng show na sinaJim at Toni Saret?

Natawa si Matteo lalo’t biniro siya ni Robi Domingo at kumanta ng Paikot-ikot ni Sarah.

Sabi na lang ni Matteo, never pa silang nag-workout together ng Popstar.

Of course kung may partner siya, gusto rin niya na makasama ito sa workout, makasama sa pag-bike, pag-swim, at kahit anong klaseng fitness.

“Gusto ko rin ‘yung partner ko maging fit. Maging sexy din,” bulalas pa ng guwapong actor.

Samantala, haharapin na ng 14 pares ng mga bigating Filipino ang pinakamalaking hamon tungo sa kalusugan upang baguhin ang kanilang buhay simula sa Lunes (February 3) sa inaabangang pagsisimula ng  The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles.

Ilan sa makikilala ay ang Chinese negosyante brothers na sina Ralph at Christian; pareho namang maganda ang nurse sisters na sina Tin at Dianne. Nariyan din ang mag-asawang Carlat Kayen, bonding moment naman para sa magkapatid na Bryan at Ikya ang pagkain.

Gaya nila, lumaki ring mataba ang “happy and gay” na si Bien at ang best friend nitong si Mai, ang mag-officemates mula sa isang call center sa Cebu. May kanya-kanya mang mga pinagdaraanan sa buhay, parehong hangad ng magpinsang Lovely at Carol na maging malusog; tubong Davao ang kambal na sina Chrisfer at Chesfer, na gustong makapagbawas ng timbang.

Pareho namang galing sa kilalang showbiz families sina Pat at Cathy na anak nina Yayo Aguila at William Martinez.  Mag-best friends ang ex-cheerleaders na sina Cherry at Randall na nagkakilala sa UST Salinggawi Dance Troupe.  Sina Benzi at Ysai naman, naging magkaibigan matapos kapwa manalo sa isang beauty pageant.

Inspirasyon naman ng isa pang “stranger pair” at gwapings na sina Francis at Andrew ang kanilang pamilya. Bilang isang ina, paraan daw ni Mommy Osie na ipakita ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng paghahanda ng masasarap na luto sa anak na siNina.Magtropa na nang 20 taon mula high school sina Tristan at Jepoy, magsyota naman sina Biggieat Valerie.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top