Wednesday , October 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Kampeon sa One Pocket sa Indiana Tourney

Kampeon sa One Pocket sa Indiana Tourney

MULING bumalik ang tikas ni Filipino billiards master Efren “Bata” Reyes matapos magkampeon sa 16th annual Derby City Classic’s One Pocket division kahapon sa Horseshoe Southern Indiana Elizabeth, Indiana, USA. Ito ang ika-7 panalo ni Reyes sa nasabing prestigious title.

Sa pagsargo ni Reyes ng 3-1 win kontra kay American Shannon Daulton sa finals ay naghatid sa kanya ng $12,000 at para lalong mapatatag ang tsansa sa pagkopo sa $20,000 “Master of the Table” title, na binibigay sa  top player na magwawagi sa Bank Pool, One Pocket at 9-Ball Divisions.

Nakamit naman ni Daulton ang runner-up purse $6,000.

Sa 298 player’ field, ang 59-years-old Reyes ang hindi nakalasap ng pagkatalo. “ The unique buyback format would have allowed Reyes to buy back in the event and face Daulton again, had he lost the first match.”

Nitong nakaraang buwan ay nakamit si Reyes ang bronze medal sa carom event ng 2013 Southeast Asian Games sa Myanmar.

(Marlon Bernardino)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top