Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / ‘Di pa nakikitang nanay hinahanap

‘Di pa nakikitang nanay hinahanap

Hi po senor h,

Hinahanap k po ang mama ko pangalan niya teriseta diaz.mula po akng pinanganak hanggang ngaun hndi pa po kmi nag kikita san po matulungan nyo ako ako po si Jessica diaz salve salmt po…gandang gabi po… (09488702553)

To Jessica,

Usually ay hindi ko ine-entertain ang mga text sa akin na walang koneksiyon sa panaginip, subalit dahil gusto kong makatulong sa iyong kalagayan sa paghahanap mo sa iyong ina, ilalathala ko ang iyong text Jessica. Suggestion ko lang sa iyo, kung talagang gusto mong makita ang iyong ina, mas mainam kung mananawagan ka rin sa mga radio at TV stations. Mas makakatulong kung may dala kang pictures ng mother mo at ibang detalye na makakatulong upang makita siya. Ang mga halimbawa nito ay kung ilang taon na ang nanay mo, saan ang probinsiya niya at address niya kung dito siya nakatira sa Metro Manila. Ang mga kamag-anak ninyo ay maaari mo ring pagtanungan ng mga ilang detalye hinggil sa nanay mo at pati na ng ilang impormasyon na maaaring makatulong sa iyo para finally ay magkita na kayo ng iyong inay. Goodluck sa iyo at huwag ka sanang mawawalan ng pag-asa, lagi kang magdasal ay manalig sa Diyos, God bless.

Señor H.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top