Wednesday , October 21 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Bebot patay sa QC fire (144 pamilya apektado)

Bebot patay sa QC fire (144 pamilya apektado)

ISA ang namatay at 144 pamilya ang apektado sa naganap na sunog sa Pasong Tamo, Quezon City, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang namatay  na si Cherry Samonte,  matapos atakehin sa puso sa kasagsagan ng sunog at dalawa ang bahagyang nasugatan.

Ayon kay QC Fire Marshall Supt. Jesus Fernandez, 36  bahay ang naabo sa sunog na sumiklab dakong 1:45 ng hapon sa bahay na pag-aari ni Amy Taybocsin na inookopahan ni Rosario Austria.

Dahil sa masikip ang lugar at malaki na ang sunog, sinira ng mga residente ang pader ng Himalayang Pilipino at doon dumaan palayo sa sunog.

Tinatayang nasa P2 milyon ang halaga ng pinsala ng sunog na umabot sa ikatlong alarma bago naapula dakong 3:20 ng hapon.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top