Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Balut vendor na asset ng parak binoga sa mata

Balut vendor na asset ng parak binoga sa mata

KRITIKAL ang kalagayan ng isang balut vendor matapos barilin ng isa sa tatlong ‘di nakilalang suspek habang naglalako ng kanyang paninda, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang kinilalang si Orlando Amiante, 42-anyos, residente  ng  Roldan St., Brgy. Daang Hari ng lungsod, sanhi ng tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa mata.

Pinaghahanap ang tatlong hindi nakilalang suspek na mabilis tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong 11:45 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Dulo, Barangay Tanza ng lungsod.

Ayon sa ilang residente, matagal nang pinaghihinalaan na  asset ng mga pulis ang biktima na  ikinagagalit ng mga tulak at iligalista sa lugar.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top