Friday , October 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ayaw na ni Misis ng sex after menopause

Ayaw na ni Misis ng sex after menopause

00 try me francine prieto

Hi Francine,

I’m one of your avid fan. Tulungan mo naman ako sa problema ko. I’m Kenneth, 53 years old and my wife is 50 years old and in her menopausal stage. At ayaw na niya makipagtalik sa akin, kaso gusto kong makipagtalik ng every other day. I have a business of my own and she has too. ‘Yung dalawang anak naming lalaki parehas nasa abroad at ‘yung unica hija lang namin ang nasa amin. Minsan naiisip kong mambabae na lang kaso ayokong mag-cheat sa asawa ko. We’re married for almost 30 years. Please help me. Thanks and more power.

KENNETH

 

 Dear Kenneth,

Congratulations dahil 30 years na kayong mag-asawa at nakatutuwa ka naman na ayaw mong mag-cheat sa asawa mo kahit hindi niya naibibigay ang hiling mo.

Ang menopause ay natural na nangyayari sa aming mga babae. Sa edad 45-55 years old ay darating sa amin ‘yan, ito ay ang stage sa aming buhay na nagkakaroon kami ng hormonal changes, at magkakaroon kami ng hot flushes, mood swings at sexual problems.

Kaya sa ganitong pagbabago sa buhay naming mga babae kinakailangan namin ng partner na sobrang understanding at supportive. At base sa message mo mukhang ganoon ka.

Mas malaki ang responsibilidad mo ngayong menopause na si Misis, bukod sa pagiging understanding at supportive, kailangan ng komunikasyon, pagtitiyaga at mas maging sensitive ka sa mga pangangailangan niya.

Ngayong nagsimula na si Misis mag-menopause ay hindi pa riyan nagtatapos ‘yan dahil ilang taon pa bago mawala ang mga pagbabago sa katawan niya.

Kaya dapat ay mas kausapin mo siya dahil sa ganitong stage maaaring mahiyang magsabi si Misis sa ‘yo ng mga nangyayari sa kanya dahil baka magbago ang tingin mo sa kanya at iisipin niya na hahanap ka na ng iba. Dahil sa ganitong stage din nagbabago na ang texture ng balat,  hugis at hitsura ng katawan naming mga babae kaya feeling namin less desirable na kami, kaya kinakailangan ng reassurance mula sa aming mga partners na kami ay mahal nila, hindi kami iiwanan at higit sa lahat na kaakit-akit pa rin kami sa mga mata nila.

Humanap ka ng doktor na ang specialization ay para sa mga menopause at hikayatin mo si Misis na kumunsulta. Siyempre dapat kasama ka para masabi ninyo lahat ng concerns ninyo pero huwag na huwag mo siyang ikokompara sa ibang babae kahit ikompara ang sitwasyon ninyo sa ibang mag-asawa, ito ay tungkol lamang sa inyong dalawa period. Huwag mong gawin na ang menopause ay problema lamang niya, gawin mong problema ninyo itong dalawa.

Ito ay ilan lamang sa mga sexual problems na nangyayari sa mga babae during menopausal period:

• Vaginal dryness;

• Reduced libido;

• Dyspareunia (pain du-ring intercourse); and

• Reduce skin sensitivity and arousal.

Kung nagtatrabaho si Misis at kulang ang tulog niya makaaapekto ‘yan sa libido niya kaya lalong hindi siya gaganahang makipagtalik. Kaya dapat talaga ay mag-usap kayo tungkol sa sex, maaaring mag-try kayo ng mga sex toys, dildos pero ingat din at hangga’t maaari ay gumamit ng contraceptives dahil maaaring mabuntis si Misis at sa ganitong stage ay delikado para sa magiging baby ninyo.

Ilang paraan para makatulong din sa kanyang sexual functions ay ang pagkain ng healthy at balanced diet, exercise at enough sleep.

Huwag mong isipin kung paano mo mababasa ang nasa utak ni Misis dahil hindi mo talaga mababasa kaya nga kailangan talaga ay kausapin mo siya at huwag ka lamang makinig, kundi intindihin mo ang pinagdaraanan niya at mas lalo mong ipakita ang pagmamahal mo sa kanya.

Sa ganitong stage din mas lalo ninyong maa-appreciate ang bawat isa kahit walang sex. Gumawa ka ng special time with her, mag-dinner kayong dalawa, maglakad-lakad sa park, magpa-massage kayo. Dito sa buhay ng mag-asawa masusubukan ang katatagan ng inyong pagmamahalan. Good Luck.

                Love,

                Francine

***

 

Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamilya, Sex at Relasyon nandito ako handang magbasa ng inyong pinagdaraanan at sasagutin ko base sa aking sariling opinyon at paniniwala. Nasa sa inyo pa rin kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me [email protected] or text me 0939-9596777

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top