Wednesday , October 21 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 15-anyos pumalag sa rape, tegas

15-anyos pumalag sa rape, tegas

LEGAZPI CITY – Patay ang 15-anyos high school student sa Sorsogon City makaraang itulak ng tricycle driver na nagtangkang gumahasa sa kanya.

Kinilala ang biktimang si Angela Artita, residente ng Catmon St., Saint Peter and Paul Subdivision (SPPVS), Bibincahan Sorsogon City.

Sa impormasyon, pasado 8 p.m. nang umalis ng kanilang bahay ang biktima para puntahan ang kanyang kaibigan.

Nakita siyang sumakay sa isang tricycle na walang plate number.

Sinasabing tinangka ng driver na halayin ang dalagita ngunit dahil sa pagpupumiglas, itinulak na lamang siya ng suspek.

Dahilan para mahulog siya sa tricycle at dumiretso sa kanal.

Pinaniniwalaan ang pagkabagok ng ulo sa kanal ang naging dahilan ng agarang pagkamatay ng biktima.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top