Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dahil sa pagka-hyperactive, joke ni Maricel, kakaiba

Dahil sa pagka-hyperactive, joke ni Maricel, kakaiba

DAIG pa ni Maricel Soriano ang nakatira ng “upper” (isang stimulant na kadalasang inaabuso ng mga druggie) nang mag-guest sa Startalk nang magbalik ang programa sa orihinal nitong Sunday time slot.

Maricel’s guesting was meant to announce her affiliation with GMA, that makes her a Kapuso. Ramdam ng buong studio dominated by the respective fans of Heart Evangelistaand Marian Rivera ng hapong ‘yon ang taas ng excitement level ng Diamond Star sa kanyang newfound home.

May hatak din pala si Marya sa mga legion of fans ng dalawang aktres, rooting for her like hell as she hinted her GMA project which she’s very excited about.

Sa sobra ngang pagiging hyperactive ng mahusay na aktres—this writer’s idol—hindi namin masakyan ang kanyang mga sagot sa mga patawa ng limang Startalk host nang isalang sa segment na Ikasa Sa Lima.

Tulad halimbawa na lang nang ianunsiyo ni Joey de Leon na, ”Clue, ang makakasama po ni Maricel (sa aabangang proyekto sa GMA) ay may initials na A.N.T.” Before tossing his punchline, buong ningning at tatawa-tawang sabi ni Maricel, ”Ano ‘yon? ‘Yun ba ‘yung naglalabas ng pera?”

What she obviously meant was ATM (automated teller machine).  Okey lang ‘yon, napalampas na namin ang sinabi ni Maricel regardless if it was meant as a joke, or dala pa rin ‘yon ng kanyang hyperactive disposition.

Ronnie Carrasco III

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top