Wednesday , October 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / P643-M droga sinira sa Cavite

P643-M droga sinira sa Cavite

Umaabot sa P643 milyon halaga ng iba’t ibang uri ng ipinagbabawal na gamot ang sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Integrated Waste Management, Inc., sa Aguado, Trece Martirez City, Cavite.

Kabilang sa personal na dumalo para saksihan ang pagsira ng illegal na droga tulad ng poppy seeds, expired na gamot at iba pang ipinagbabawal na droga ay si Sen. Grace Poe, chairperson ng Senate committee on public order and dangerous drugs.

Ayon kay Poe, magsisilbing babala ito sa mga tumatangkilik sa illegal na droga na ang pamahalaan ay nagsusumikap upang malipol ang mga sindikatong nasa likod nito.

“This is a big blow to drug syndicates in the country and serves as a stern warning against pushers and users that we will not stop until lawless elements are neutralized,” ayon kay Poe.

(CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top