Wednesday , October 21 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Nakagat ng tuta natuklaw ng ahas kelot kritikal

Nakagat ng tuta natuklaw ng ahas kelot kritikal

KRITIKAL ang kalagayan ng 25-anyos lalaki matapos sakmalin ng aso at matuklaw pa ng ahas sa Brgy. Maloco, Ibajay, Aklan.

Inoobserbahan ngayon sa Aklan Provincial Hospital ang biktimang si Eric Valeriano, residente ng naturang lugar.

Base sa report, sinakmal ang biktima ng gumagalang  tuta  noong Enero 1 at natuklaw ng ahas noong Enero 2, ngunit binalewala lamang ang nangyari at nag-self medicate sa pamamagitan ng paghugas sa kanyang sugat ng suka at bawang. Ngunit kamakalawa ng gabi nakitaan ng sintomas ng rabies ang biktima gaya ng hindi mapakali, mentally depressed, takot sa tubig at naglalaway kaya dinala sa ospital.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top