Sunday , November 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Muling pagsasama nina Goma at Shawie, tinupad ng TV5

Muling pagsasama nina Goma at Shawie, tinupad ng TV5

ni  Vir Gonzales

MATAGAL na ring may planong pagsamahin sina Megastar Sharon Cuneta at Richard Gomeznoong nasa ABS-CBN pa ang aktres. Ang problema, hindi magkaroon ng pagkakataong magkasama ang dating mag-sweetheart. Mabuti na lang, natupad din ang ilusyon ng kanilang mga tagahanga.

Mapapanood na ang muling pagsasama nina Goma at Shawie sa TV5. Guest kasi si Goma sa Madam Chairman ni Sharon. At this time, hindi dramatic ang eksena, kundi comedy.

Pagkalipat ni Bianca sa TV5, ikinagulat

MAY nagtatanong bakit naman daw biglang napunta sa TV5 si Bianca King?

Hinangaan kasi nila ito noong napapanood pa sa GMA. Nagulat na lang sila nang may teleserye pala itong ipalalabas sa Cinco. Bakit ganoon, para raw silang sinorpresa.

Nora, dapat nang itigil ang paggawa ng nakade-depress na movie

SANA medyo masaya naman ang papel ng nag-iisang superstar Nora Aunor sa pagsasama nila niCoco Martin.

Baka raw dakilang ina na naman itong inaapi-api at pinahihirapan?

Panahon na ng FIBAP ngayon, dapat iba naman, huwag na ‘yung puro nakaka-depress para sa fans ni Guy.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top