Wednesday , October 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / BB, buhay na buhay

BB, buhay na buhay

ni  Reggee Bonoan

Sa nasabing premiere night ay dumating ang ABS-CBN consultant na si Mr. Freddie M. Garcia kasama ang maybahay niya at talagang pinuri niya ang pelikula dahil maganda raw ang pagkakagawa at kuwento at higit sa lahat, napuri rin ng bossing ang mga batang action star.

Dumating din sa premiere night ang buong Padilla Clan sa pangunguna ni Mommy Eva Carino, mga kapatid ni Robin, mga pamangkin at higit sa lahat, ang sinasabing patay na, si BB Gandanghari na seksing-seksi sa suot niyang leather pants at jacket with her purple hair.

Say nga ni BB, “hayan, nandito ako, kaloka,patay na raw ako?” natawang sabi ni BB.

Sa panig naman ni Mariel ay dumalo ang lolo at lola niyang sosyal na talagang may head-piece pa at alam na namin kung kanino nagmana ang magandang misis ni Robin sa pagiging kikay.

Naroon din ang mga kaibigang artista ng Padilla na sina Karla Estrada, Ejay Falcon, Mikael Daez, at si Jasmine Curtis Smith na alaga rin ni Betchay Vidanes na manager ni Binoe.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top