Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 11-anyos dalagita pinilahan ng 3 manyak

11-anyos dalagita pinilahan ng 3 manyak

PINAGPARAUSAN ng tatlong manyakis ang 11-anyos dalagitang estudyante makaraan kaladkarin palabas ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Tanay, Rizal.

Kinilala ni Supt. Noel Versoza, hepe ng Tanay Police, ang nadakip na mga suspek na sina Benjie dela Cansada, 31; Rommel dela Cruz, 38, at alyas Bernard, 19, kapwa mga residente ng Sitio Tayaba ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat ng pulisya, kinaladkad ng mga suspek ang biktima palabas matapos igapos ang 8-anyos kapatid ng dalagita sa loob ng bahay dakong 6:45 p.m.

Ito ay matapos mabatid ng mga suspek na lumabas ng bahay ang tatay ng biktima para bumili ng ulam sa labasan.

Pagkaraan ay pinagtulungan halayin ng mga suspek ang biktima sa isang abandonadong sofa sa hindi kalayuan.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek ngunit agad nadakip sa follow-up operation.                                              (ED MORENO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top