Saturday , October 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Two months nang walang bandila ang flag pole ng NAIA T-1 (anyare!?)

Two months nang walang bandila ang flag pole ng NAIA T-1 (anyare!?)

00 Bulabugin JSY
MUKHANG nahihirapan ba ang MIAA na maghanap ng bandila na ilalagay sa main flag pole ng NAIA Terminal 1?

Ito ang nagsisilbing marker na madaraanan bago ka makarating sa security checkpoint sa pagitan ng Parking A at Parking C.

For the record, matagal nang walang bandila na nakakabit sa pangunahing flag pole ng airport. Ang NAIA T1 pa man din ang may pinakamaraming dayuhang may dumarating at umaalis.

Sa tuwing madaraanan ito ay hindi pwedeng hindi mapansin ng sinoman, maging dayuhan man o local citizens ng bansa.

Anyare, MIAA GM Bodet Honrado? Tanong nga ng mga urot sa airport, baka tinatahi pa ni Marcela Agoncillo ang bandila?

Wow Hanep! Talagang makasaysayang bandila ‘yan at siguradong orig.

Kelan kaya natin matatanaw muli ang wumawagayway na bandila ng Filipinas sa nagsisilbing tahanan nito sa NAIA T-1?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top