Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Starlet na nag-aakusa ng rape kay Vhong Navarro tadtad ng retoke sa katawan

Starlet na nag-aakusa ng rape kay Vhong Navarro tadtad ng retoke sa katawan

Yes, hindi lang ramp model ang babaeng nag-aakusa ng rape kay Vhong Navarro na si Deniece Cornejo. Kundi nag-aartista rin ang sina-sabing apo ng Marketing Head ng GMA 7. Lumabas si Deniece sa nagwakas nang action serye ni Ejay Falcon  na “Dugong Buhay” pero dahil maliit lang ang role niya ay hindi nagmarka ang name niya sa publiko. Umapir rin ang controversial starlet sa mga pelikula noon nina KC Concepcion at Erich Gonzales. Ang malaking problema raw kay Deniece kaya hindi siya sumisikat ay marami siyang kamukhang celebrity, at ‘yan ay sanhi ng kanyang pagpaparetoke. Yes, ang totoo flawless lang  ang negang modelo pero hindi maganda ang ilong niya noon at may problema pa sa teeth na kanyang ipinaayos nga. Ngayon, instant celebrity na siya kaso nga lang tigbak na rin ang career. Dahil sa mata ng publiko at milyong fans ni Vhong Navarro  ay isa siyang evil woman. I do wanna comment na lang gyud!

Ejay Falcon, bagong lalaki sa buhay ni Andi Eigenmann?

“GALEMA,” TINUKLAW ANG BAGONG KATAPAT SA HAPON

Ipinatikim agad ng “Galema: Anak Ni Zuma” ng ABS-CBN ang tindi ng kanyang kamandag sa pilot week pa lamang ng bagong katapat na programang “The Borrowed Wife.” Sa magkakasu-nod na araw, panalo sa timeslot sa hapon ang fantaseryeng pinagbibidahan ni Andi Eigenmann. At base sa pinakahuling datos ng Kantar Media nitong Huwebes (Enero 23), patuloy na nagwawagi ang “Galema” sa taglay na 10.4% national TV rating kompara sa karibal na serye sa GMA na nakakuha lamang ng 8.3%. Samantala, ipinagmamalaki ng Kapamilya hunk na si Ejay Falcon na mapabilang sa cast ng “Galema” at makasama ang na-miss na kaibigan na si Andi. “Hindi na ako masyadong naiilang kay Andi kasi nakasama ko na siya sa time ko sa PBB (Pinoy Big Brother Teen Edition Plus). Pumasok siya noon bilang house player ni Kuya. Makwento si Andi at malalim na tao kaya masarap siyang kausap,” kwento ni Ejay na gumaganap sa “Galema” bilang si Sgt. Alex Pagaran na isa sa mga naghahanda kay Galema (Andi) para sa digmaan kontra kay Zuma (Derick Hubalde). “Ang dapat abangan ng ‘Galema’ viewers ay kung saan pupunta sa mga susunod na araw ang pagkakaibigan nina Alex at Galema,” ani Ejay. Patuloy na tuklasin ang naiibang kamandag ni “Galema: Anak ni Zuma,” tuwing hapon pagkatapos ng “Kapamilya Blockbusters” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang social networking sites ng programa sa Facebook.com/galemaofficial at Twitter.com/galemaofficial.

Tatlong Beses Na Hiniwalayan Ng Mister Nabiyayaan Sa Sugod-Bahay Sa Barangay Sa Eat Bulaga

Wala mang suwerte sa kanyang buhay pag-ibig dahil tatlong beses nang nawalan ng mister. Tuloy pa rin ang buhay  kay Ginang Mary Jane Salas na mag-isang binubuhay ang mga anak at inang nakatira sa kanya na may bukol pa suso. Dahil sa kabaitan, malaking suwerte ang duma-ting sa buhay ni Mary Jane nang siya ang pala-ring manalo sa Sugod-bahay sa Barangay, sa lugar nila sa Brgy. San Rafael, Rodriguez Rizal. Personal na iniabot nina Dabarkads Jose at Paolo kasama si Val ang mga premyong napanalunan ng nasabing misis tulad ng cash prize na P10K at pagkain mula sa Coca-Cola, appliances from Hanabishi, O+  Phone-6.1 Android, gift pack plus P5K na kaloob ng Purefoods Star Jumbo Hotdog, Cream All gift pack, P5,000 cash mula sa Davies Sun & Rain Paint, Tig P5K  na galing naman sa Biofresh Sacks at Eveready Battery, brand new Honda CB 11o Motorcycle courtesy of Motortrade na may kasama pang jacket at helmet, groceries at dalawang sakong bigas at GC worth P5K  from Puregold.

Siyempre pa ang Bossing Savings na Passbook with initial deposit at ATM. Bilang tulong sa inang maysakit at para sa pagpapa-check up ay binigyan ng Eat Bulaga si Ginang Mary Jane ng P50,000 at karagdagang P30K  para sa pag-aaral naman ng kanyang mga anak. Sa sobrang tuwa sa maraming blessings na ipinagkaloob sa kanya ng Bulaga ay napaluha ang residenteng winner at walang patid ang pasasalamat niya sa nag-iisang noontime show sa kanya na EB.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top