Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marion, gustong sumali sa Himig Handog 2014 bilang interpreter

Marion, gustong sumali sa Himig Handog 2014 bilang interpreter

SOBRANG na-excite si Marion Aunor nang nagkaroon siya ng album launching sa ASAP last Sunday. Para ito sa self-titled album ni Marion mula Star Records na naglalaman ng dalawang carrier singles na Fallen at Do Do Do na parehong komposisyon ng singer/composer.

Kasama rin sa album ni Marion ang isa sa paborito namin, ang version niya ng Just Give Me A Reason, Sex On Legs na sinulat ni Marion kasama si Patricia Sanico, samantala ang manager at album producer niyang si Vehnee Saturno ang kanyang co-composer naman sa awiting Take A Chance. Kabilang din sa album ang dalawa pang original na gawa niya na may titulong I Don’t Know (If I Should Stay or I Should Go) at ang winning entry niya sa Himig Handog na  If You Ever Change Your Mind.

“Actually, very excited po ako sa pag-launch ng album ko sa ASAP. Iwant to know people’s responses and I’m looking forward to being able to share my music even more since mas maraming exposure sa ASAP,” esplika ng talented na anak ng dating teenstar na si Ms. Maribel Aunor.

Magiging semi-regular kaya siya sa ASAP very soon tulad ng ibang singers na under contract sa Star Records?

“Wala pa pong nadi-discuss regarding ASAP, still waiting for management’s decision. But I’m hoping na malagay po ako, kahit semi-regular,” wika pa ni Marion.

Kasama siya sa album na Got To Believe nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na ni-revive niya ang kantang My Only Love ni Sharon Cu-neta, out na ba ito sa market?

“I’m not sure po if the album is already out at record bars, wala po talaga akong information regarding the album.”

Sa paparating na ikalawang Himig Handog ay hindi na siya puwedeng sumali bilang composer dahil under contract na siya sa Star Records, pero si-nabi ni Marion na gusto niyang sumali bilang interpreter.

“Bawal na po akong sumali as composer, but I’m hoping they’ll choose me to interpret one of the Top 12 songs this coming Himig Handog.”

Angelica Panganiban, sasabak sa maiinit na eksena with Gerald Anderson

GAGAWA ng pelikula sina Angelica Panganiban at Ge-rald Anderson. Ito ang unang pagkakataon na magtatambal ang dalawa sa isang drama love story na magkakaroon daw ng maiinit na eksena ang dalawang Kapamilya stars.

Ayon kay Angelica, mapili siya sa mga project na ginagawa. Pinag-isipan daw niya itong mabuti dahil lahat ng project na ginagawa niya, gusto ng aktres ay maibigay ang hinihingi ng gagampanang karakter.

Aminado rin siya na may kabang nararamdaman sa movie nilang ito ni Gerald. Ngunit nang usisain ang aktres kung magkaroon kaya ng problema sa project na ito dahil kapwa sila may karelasyon ni Gerald, sinabi niyang trabaho lang naman ito.

“Laging may kaba iyon lalo na I am sure kapag babae ka. Pero iba rin kasi kapag  kakilala mo at komportable ka roon sa taong ‘yun. Kami naman ni Gerald, kasi kaibigan ko si Maja, sila kaibigan nila si Lloydie, so mas makakadagdag ‘yun ng pagi-ging komportable ko. And once naman na nasa character ka, iba naman na ‘yun, ibang usapan na iyon.”

Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top