Saturday , October 24 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 72-anyos mister ‘namaoy’ sa alak misis patay sa saksak (3 pa sugatan)

72-anyos mister ‘namaoy’ sa alak misis patay sa saksak (3 pa sugatan)

ARESTADO ang isang 72-anyos mister matapos mag-amok na ikinamatay ng kanyang misis at ikinasugat ng kanyang anak at mga kapitbahay sa Camarines Sur.

Nakakulong na ang suspek na si Rogelio Madriaga, 72, matapos dakpin bago pa tuluyang makatakas.

Ang suspek ay dinakip matapos mapatay sa saksak ang misis na si Ligaya, 65, at masugatan nang malubha ang anak na si Tomas, 45, at mga kapitbahay na sina Roseta De Torres – Opena, Leonides Coz, 57.

Sa ulat ng pulisya, habang nasa kalagitnaan ng pakikipag-inoman ang suspek, bigla na lamang nagwala at umuwi ng bahay.

Sa kanilang bahay ay sinaktan ng suspek ang kanyang misis at anak.

Nang aawatin ng mga kapitbahay ay sinugod ng saksak ang mga biktima.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top