Saturday , October 24 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 2 HIV carrier hinahanap ng Laoag City LGU officials

2 HIV carrier hinahanap ng Laoag City LGU officials

MAKARAANG mapaulat na dalawa sa apat na positibong carrier ng HIV virus ay nasa Laoag City, inaalam ngayon ng pamahalaang lungsod ang kanilang pagkakakilanlan.

Bunsod nito, pinag-iingat ng Laoag City government ang publiko upang hindi na madadagdagan pa ang bilang ng apektado nito.

Ayon kay Mayor Chevylle Fariñas, nais nilang malaman mula sa Provincial Health Office ang pagkakakilanlan ng dalawa upang makausap at mabigyan nang sapat na tulong.

Inaalam pa sa ngayon kung babae o lalaki ang sinasabing mga carrier ng HIV sa Laoag.

Una rito, lumitaw ang report na may apat na positibong carrier ng HIV sa lalawigan, dalawa rito ang residente ng Laoag City, isa sa Batac City at isa sa bayan ng Dingras.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top