Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Wood feng shui elements

Wood feng shui elements

PAANO magdadala nang malakas na presensya ng wood feng shui element kung kailangan? Katulad ng dati, mainam na i-express ang feng shui element sa banayad na paraan, sa pamamagitan ng maganda sa paningin at esthetically appropriate items na babagay sa inyong home or office décor.

Narito ang ilang suhesiyon ng popular décor items/feng shui products na mabisang mai-express ang wood feng shui element energy. Ayon sa panuntunan, ang wood ay higit na welcome sa feng shu bagua areas ng East, Southeast at South, at ang malakas na presensya nito ay mainam na iwasan sa Southwest, Center, North at Northeast areas.

*Malusog at maberdeng halaman. Pumili mula sa indoor air purifying plants at e-enjoy ang clean air, o iba’t ibang aromatic herbs para sa kusina.

*Estatwa o figurines na yari sa kahoy. Maraming mapagpipiliang wood sta-tues and figurines na magdadala ng wood feng shui element. Pumili ng nababagay sa inyong home décor.

*Wood element wall murals. Ang wall murals ay mainam na feng shui solution sa ano mang space. Pumili mula sa water element murals hanggang sa wood element ones.

*Wood Buddha. Pumili ng Buddha sculpture sa wood ele-ment colors or finishes. Bukod sa maraming benepisyo ng Buddha energy sa inyong bahay, magkakaroon din ng karagdagang wood feng shui element vibes.

*Wall paint sa wood element co-lors. Sa feng shui, ang kulay ang isa sa pinakamada-ling paraan ng pagdadala ng kailangang pagbabago sa enerhiya sa inyong bahay o opisina. Ang wood feng shui element colors ay green at brown.

*Wood sailboats (wealth and abundance cure). Ang wood sailboat ay pamosong classical feng shui cure para sa kasaganaan, gayundin bilang ge-neral feng shui element cure.

*Wood element art. Maaaring magdala ng strong wood feng shui element sa ano mang art na inyong magugustuhan na mayroong wood element colors o naglalarawan ng wood element.

*Bamboo Chimes. Ito ay nagdudulot ng kaiga-igayang tunog. Kung ma-inam ang inyong mapipili, magagamit ang chimes bilang home feng shui cure.

*Feng shui lucky bamboo. Isa sa pinakapa-mosong feng shui cures at great wood element cure.

*Wood photo o art frames. Ang pagpili ng specific color para sa inyong art o photo frames ang madaling paraan para makapagdala ng wood feng shui element sa inyong bahay o opisina.

Lady Choi

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top