Wednesday , October 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Sidewalk vendor wagi ng P6-M sa Lotto

Sidewalk vendor wagi ng P6-M sa Lotto

NANALO ng P6 milyon jackpot prize sa 6/42 Lotto ang isang sidewalk vendor sa Caloocan City.

Ayon sa ulat, ang 57-anyos ginang na sidewalk vendor ay nanalo ng P6 milyon makaraang mahulaan ang winning combination na 8-14-24-36-37-42 nitong Enero 14.

Kinobra niya ang kanyang premyo kahapon ng umaga.

Sinabi ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Ma-nager Jose Ferdinand Rojas, sinabi ng vendor  hindi na siya magtitinda sa sidewalk lalo’t palagi si-yang itinataboy ng mga pulis.

Tiniyak ng vendor na ang bahagi ng kanyang premyo ay ibibili niya ng permanent stall sa nasabing pamilihan para sa kanyang pagti-tinda.

Ang ibang bahagi aniya ay ibibili niya ng maliit na bahay at lupa at ang matitira ay ilalaan para sa kinabukasan ng kanyang pamilya.

(HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top