Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marian, papasukin ang politika

Marian, papasukin ang politika

MAY plano kayang pumasok sa politika si Marian Rivera?

Kasi ba naman, halos magbalik-balik sa pagtulong sa Estancia, Iloilo sa pamimigay ng relief goods at pagdamay sa mga binagyong kababayan.

May planong magbigay din ang aktres ng 1,000 banca para sa mga mangingisda!

Aba, nasapawan pa niya ang ilang politikong puro-kwentong magbibigay tulong, habang nangangampanya.

Anyway, qualified namang kumandidato si Marian, college graduate s’ya at alam kung ano ang gagawin sa kongreso.

Willie, pinupukol ng negatibong balita

ANO ba ‘yan, puro negatibong balita ang ipinupukol sa acting TV host na si Willie Revillame.

Dati, poging-pogi ang pagtingin nila sa tsinuging TV host sa TV5. Sino bang natapakan niya at walang tigil sa pagkakalat ng maling balita?

Buhat noong mawala ang Wowowillie sa TV5, bibihira ng mabanggit at marinig sa naturang network. Mga anik-anik kasing pelikula ang ipinalit na palabas sa nawalang programa. Puro the who ang bida, kaya walang matandaan sa mga ipinapalabas nilang pelikula.         (VIR GONZALES)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top