Saturday , October 24 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Mag-amang Bombay binistay, erpat patay

Mag-amang Bombay binistay, erpat patay

PATAY ang isang Indian national habang sugatan ang kanyang anak makaraang tambangan habang sakay ng kanilang SUV sa Batac City.

Kinilala ang napatay na si Abtar Deep Radhawa Singh, 55, may asawa, habang sugatan ang anak niyang si Aaron Deep Radhawa Singh, 28, kapwa residente ng Brgy. Aglipay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, papasok na sana sa kanilang compound ang sinasakyang SUV ng mag-ama nang may humintong motorsiklo lulan ang dalawang lalaki.

Walang sabi-sabing pinaputukan ang mag-ama at pagkatapos ay tumakas.

Nabatid na ang mag-ama ay kagagaling lamang sa Ilocos Sur at naningil ng kanilang pautang na 5-6.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top