Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / I will give you the REAL justice — Deniece Milette; Vhong is a rapist — Cedric Lee

I will give you the REAL justice — Deniece Milette; Vhong is a rapist — Cedric Lee

“I’m not a CRIMINAL .“Ang napanood niyong interview is planned by the station, para lumabas na walang kasalanan si Vhong (Navarro).

“He clearly had the intention to rape denise at that time, naawa kami kay denise kaya binugbog namin siya, wala kayong alam sa totoong nangyari kaya wag kayong manghusga agad.

“Mayayaman kami aanuhin namin ang 1m? Wag kayo maniwala sa mga lumalabas sa media, malakas ang kapit niyan ni Vhong sa station kaya’t kaya niyang baguhin ang istorya with the help of media. Sana pakinggan niyo ang side namin.

“This is not about the STATION WAR people, open your minds! Ganyan na ba kayo kabobo? Napakadali niyong maniwala sa mga balita. The main reason here is Vhong Navarro committed ah frustrated rape. Sa madaling salita pinagtatanggol niyo ang isang RAPIST!

“Siyempre pati ang mga kapamilyang makikitid ang utak at sinusuportahan ang rapist na si Vhong.

“Social Media for now is Hazardous So Judge-mental Iisang panig lang pinapakinggan niyo makinig naman din kayo sa panig namin.”

“Please Don’t Judge Denise Millet Cornejo don’t accuse her she really don’t know what to do that time and we just defend him to Vhong Navarro please stop this Rumors .

“Siyempre dinepensahan nya din ang sarili nya, sinabi nya ang mga katagang ‘I’m not a criminal’ at dagdag pa nya ‘Don’t Hate me for who i am nagpapakatotoo lang’

“For the last time, Pinalalabas ni Vhong na iginapos, itinali, at hiningan ng 1m ngunit ang nangyari lang naman talaga ay binugbog namin siya at dinala sa pulis para maiblotter, un lang ang tangi naming ginawa sa kanya, uulitin ko mayaman kami di namin kelangan ng 1m dahil meron kami nyan. Natatakot lang siyang mabansagang Rapist dahil sa ginawa niya kaya’t nililihis niya ang istorya.

“Kung totoong normal na gumagana yang pagiisip niyo, hindi kayo basta-basta maniniwala sa mga sinasabi ng Media. Everything you have watched before is carefully planned by the station, 22 nangyari ang panghahalay, bakit nung 24 lang nilabas ng media ang issue? Para lalo kaming madiin ni denise!”

“Ipag tatanggol ko ang friend ko sa mga akosasyon niyo maglabasan na ng ebidensya . kung kinakailangan, Nonsense Issue Vhong is a Rapist .

“Hindi namin papatayin si Vhong pinagtanggol lang namin ang babae na binastos niya  kung kayo may babaeng kaibigan pag binastos diba ipagtatanggol niyo lumaban kasi si vhong at binitawan kami ng mga salitang hindi ka aya-aya.”

Ito ang mga pahayag ni Cedric Lee sa kanyang Facebook account kahapon.

At sinundan naman ni Deniece Millette Cornejo na naglabas din ng statement na lumabas sa Twitter.

“If you want justice i will give you the REAL justice. In the field of women’s rights. The right will always be right. kung may biktima at innocente rito walang iba kundi ako. mataas ang paghanga ko sa mga lalaki na marunong rumespeto at ipagtanggol ang mga kababaihan.”

Mga ebidensiya vs. Cedric Lee, inihahanda na ng kampo ni Vhong

SAMANTALA,  kasalukuyan ng inihahanda ang lahat ng ebidensiyang kakailanganin ng legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga para maisampa ang kaso laban kay Cedric Lee at sa mga kasamahan nitong bumugbog sa TV host.

Matatandaang bugbog sarado ang Showtime host na si Vhong noong gabi ng Miyerkoles, Enero 22 sa condo unit sa Bonifacio Global City ng modelong si Deniece Milette Cornejo, 22, apo raw ni Mr. Rod Cornejo, Marketing Executive ng GMA 7 at hindi ni Chairman at CEO Felipe Gozon tulad ng kumalat sa Twitter account ng dalaga na may nakalagay na, ‘with my lolo.’

Sa phone interview ni Butch Francisco ng Startalk, ang legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma, na ayaw daw sana nilang magsalita habang inihahanda ang isasampang kaso, pero nagpa-interview na raw si Vhong sa Buzz ng Bayan noong Linggo kay Boy Abunda kaya napilitan na ring maglabas ng panig ang abogada.

“Ayaw nga namin sanang magsalita at ayaw ding magsalita sana ni Vhong. Kaya lang, lumabas ito, itong news na ito, na lalong pambababoy kay Vhong.

“Yung ginawa sa kanya, sa katotohanan lang, kung alam niyo ‘yung mga ginawa sa kanya ay dapat hindi maranasan ng kahit na sinong tao.

“Walang karapatan ang kahit na sinong tao na gawin ito sa kapwa niya, ‘yung pambababoy, ‘yung pambabastos, pambubugbog, pananakit, pananakot.

“And, I think, Vhong is prepared to do what is necessary dahil sa katotohanan lang, kung ito’y ginawa sa kanya ng kilala, mayroon siyang pangalan, at siguro nama’y may mga kaibigan siya, at mayroon siyang mga puwedeng gawin, paano pa ‘yung mga ibang tao?”

Dagdag pa ni Atty Mallonga, “the process has already begun naagkakaroon na ng investigation dito. At the proper time, the complaint will be filed.”

Sa kabilang banda, marami na raw tumutulong na ahensiya ng gobyerno sa kaso.

“There are government entities involved here—including the NBI, the police authorities. We are gathering the necessary evidence, they are being documented, and they are being preserved.

“We are very confident na napakalakas ng kaso ni Vhong, at ang priority namin ngayon is that he should fully recover in the meantime,” say pa ni Atty. Mallonga.

At base na rin sa napanood sa Buzz ng Bayan noong Linggo sa panayam ni Boy ay kitang-kita pa rin ang pamamaga ng mukha at pangingitim sa paligid ng mata ni Vhong at humihingi ng katarungan sa ginawang pambababoy sa kanya ng mga taong sangkot dito

Nabanggit din ng abogada na sasailalim sa operasyon si Vhong, “he has been severely injured and he’s scheduled to undergo surgery procedures, iyon ang pagkakaintindi ko. You know what, ‘yung kanyang napagdaanan, anybody na napagdaanan ‘yung kanyang naranasan, they will be very traumatized as Vhong is traumatized right now.”

Hindi rapist si Vhong — Atty. Mallonga

Iginiit pa ng abogado ni Vhong na hindi rapist ang aktor.

“Actually, iyon ang dahilan kung bakit palagay namin na importante na maliwanagan. Nagpa-screen kami ng statement today, it is because of that particular news item na mayroon daw police blotter na lumabas, na may paratang raw o accusation ng attempted rape against Vhong.

“Gusto lang naming liwanagin na si Vhong ay isang biktima sa kasong ito. He is not a rapist.

“Maaaring hindi siya santo, pero siya’y isang mabuti ring tao. At, definitely, hindi siya kriminal, siya’y biktima.

“’Yung nakasaad doon sa police blotter na supposedly mayroon siyang ginawang attempted rape ay isang malaking kasinungalingan.

“It is part of this horrible crime that was committed against Vhong.

“Siya ay idinitena, he was the victim of detention. Tinorture siya, he was being blackmailed, he was being extorted.

“At itong ginawang krimen sa kanya, binalaan siya na huwag magsalita, huwag siyang magbigay ng kahit anong pahayag sa media, itago niya ang krimen na ginawa sa kanya.

“At ginamit nila itong paglagay sa police blotter ng isang nakatatawa at hindi makatotohanang akusasyon para i-blackmail siya na huwag siyang magsalita?”paliwanag mabuti ng abogado.

Sabi pa ni Vhong, si Cedric Lee raw ang pangalan ng taong bumugbog sa kanya kasi nagpakilala pa raw.

Say nga ng abogada sa Startalk, “Iyon ang tao na nanakit sa kanya, kasama sa nanutok ng baril sa kanya, gumawa ng kababuyan kay Vhong—and he has said it. Hindi niya alam kung bakit.

“We do not know the exact story kung ano ang motivation, but ito’y ginawa kay Vhong.

“Hindi ko kilala nang personal si Cedric Lee. At hindi ko kilala ‘yung mga ibang tao.

“There are, I think, mga six or seven men who did this to Vhong, ‘no?

“Ang naaalala lang niya, ang nakilala niya roon ay itong Cedric Lee.

“Hindi ko kilala nang personal itong Cedric Lee.

“Hindi ko alam kung mayaman siya, hindi ko alam kung powerful siya.

“Pero ang pag-aasta niya, ‘yung parang pagpapalabas niya sa sarili niya, according to Vhong, ay malakas siya. Dahil hindi siya nahihiya, eh.

“I would just like to say, the only reason I agreed to this interview, is against this abuse, any notion that there is any truth to the allegation that Vhong is a perpetrator of rape. He is the victim,” paliwanag mabuti ng abogada.

Sino si Cedric Lee?

Nakilala namin Cedric noong binyag ng anak nila ni Vina Morales na si Ceana Magdayao Lee, Agosto 15, 2009 sa Sanctuario de San Antonio sa McKinley Road, Forbes Park, Makati City at base sa obserbasyon namin ay tahimik na tao ito at mahiyain dahil hindi siya gaano nakikipag-usap sa mga bisita.

Noong magkarelasyon pa sina Vina at Cedric ay nababanggit sa amin ng singer/actress na mabait na tao ang ama ng kanyang anak, pero may mga dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay bagay na hindi na sinabi sa amin.

Pero sa pagkakaalam namin ay may pamilya si Cedric dahil may common friend kami na kakilala ang asawa’t anak nito at sa Greenhills, San Juan sila nakatira. Kaya marahil ito ang dahilan kung bakit hindi niya nagawang pakasalan si Vina noon lalo’t nabiyayaan sila ng anak.

At bago nag-isang taon si Ceana ay naghiwalay na sina Vina at Cedric at simula noon ay wala na kaming nabalitaan dito maliban sa nasangkot siya sa kasong umano’y isa rin siya sa bumugbog kay David Bunevacz na naging kasosyo saBeverly Hills 6750 Cosmetic Surgery and Skin Institute, Ayala, Makati noong 2007 at nagsara ito dahil nalugi raw.

Base rin sa huling panayam namin kay Vina sa nakaraang Ystilo Salon opening sa may Hemady Square, E. Rodriguez ay maayos ang relasyon nila ngayon ng tatay ng anak niya at nadadalaw daw ni Cedric si Ceana na apat na taong gulang na ngayon.

At ngayon ay binanggit ni Vhong ang pangalang Cedric Lee na isa sa bumugbog sa kanya dahil boyfriend siya ni Deniece Millette Coronel na 22-anyos na modelo.

Pero may mga nag-comment naman na kakilala si Cedric na ex-girlfriend daw nito si Deniece at magkaibigan nga raw sila.

Ayon naman sa kilalang negosyante na naka-tsikahan namin, “imposibleng kuwarta-han ni Cedric si Vhong (hinihingan kasi ang aktor ng  P2-M), maraming pera ‘yun, baka gusto lang turuan ng leksiyon kasi may sabit ‘yung babaeng gusto niyang alam mo na.”

Ito rin ang sinabi ni Cedric sa kanyang statement na mayaman sila at hindi nila kailangan ng pera.

At base rin sa nasulat dito ng Hataw News Team ay maraming negosyo si Cedric tulad ng mga: 1.) Chairman at President ng Waste Management Inc., na namahala sa landfill ng lalawigan ng Cebu na nag-convert nito sa waste-to-energy 20MW. 2.) Board Chairman at President ng Izumo Contractors Inc., Ang Izumo ay ang construction company na itinatag noong 1998 na nakakuha ng major infrastructure projects sa gobyerno. At 3.)  Chairman at President ng Phil-Asia Dredging and Reclamation Corp., may pinakamalaking dredging operation sa Cagayan River.

Sinubukan naming tawagan si Cedric Lee para kunan ng karagdagang pahayag base sa numerong ibinigay sa amin dati pa ay hindi naman kami sinasagot ng negosyante.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top