Wednesday , October 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Premyadong director tsinugi sa pelikula (Masyado kasing mabagal mag-shoot at makaluma ang style!)

Premyadong director tsinugi sa pelikula (Masyado kasing mabagal mag-shoot at makaluma ang style!)

About The Author

Peter Ledesma

 
DURING mid 70’s and 80’s ay namayagpag talaga nang husto ang premyadong director.

Yes, minsan sa isang buwan, dalawang pelikula niya ang ipinalalabas nang sabay sa sinehan. Ganyan ka-in-demand si direk noong panahon niya na naging favorite ni Mother Lily Monteverde dahil hindi lang mahusay sa kanyang larangan kundi box office director pa. Knowing Madera kapag nag-aakyat ka ng salapi sa kanyang movie outfit na Regal Films ay labs ka niya siyempre.

Pero natapos rin ang panahon ni direk at halos wala nang pumapansin sa kanya. May ilang mga independent producer na kumuha sa kanyang serbisyo pero lahat ay nalugi sa ginawa niyang projects.

At ang latest, dahil naawa sa kanya ang beteranong produ ng sikat na movie outfit hayun binigyan siya ng break para hawakan ang proyketo na pinagbibidahan ng dalawang sikat na actress at hunk actor.

Kaso, sa bagal ng nasabing director na mag-direk at kalumaan ng kanyang style, hindi ka maka-relate ang mga bidang artista. Hayun, agad-agad siyang inireklamo sa producer.

So, binigyan siya ng ultimatum pero hindi pa rin sumunod si direk kaya ang ending para hindi na magkaroon pa ng aberya ay tsinugi na lang ang oslang director at pinalitan siya ng TV director na namamayagpag na rin ngayon sa pelikula. Zinolala ang director na tinigbak sa project?

Well itanong niyo na lang kay Boss Vic del

Rosario gyud!

THE LEGAL WIFE, MAPAPANOOD NA MAMAYANG GABI SA PRIMETIME BIDA NG KAPAMILYA NETWORK

Sulit ang pag-aantay ng fans ni Angel Locsin dahil after three long years na hindi gumawa ng teleserye ang maganda at mahusay na actress. Heto, at mapapanood siya ngayon sa mala-pelikulang teleserye na “The Legal Wife,” na starting today ay gabi-gabi na ninyong mapapanood sa Primetime Bida ng Kapamilya network pagkatapos ng Got To Believe nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ang edge ng The Legal Wife sa ibang soap opera, ang kuwento nito ay base sa totoong buhay ng pamilya, kapatid, kaibigan, mag-asawa at isang mistress na gagampanan ni Maja Salvador bilang si Nicole. At sa teleseryeng ito ay mas lalong tumaas ang antas ng pagiging actress ni Angel dahil sa husay at galing sa pagganap ng character ni Monica, ang legal wife ni Adrian (Jericho Rosales). Matinding emosyon ang pinakawalan ni Angel sa mga eksena nila ni Echo na walang duda ang galing sa latest serye. Hindi rin puwedeng hindi mapansin ang performance dito ng bagong Kapamilya actor na si JC de Vera bilang si Max na magkakaroon ng affair kay Maja. Suportado ang apat ng mga naglalakihang artista na beterano na sa larangan ng drama na kinabibilangan nina Christoper de Leon, Rio Locsin, Maria Isabel Lopez, Mark Gil. Nasa cast rin sina Joem Bascon at Aaron Villena. May special participation rito sina Neri Naig at Matt Evans at mula sa mahusay na direksiyon nina Rory Quintos at Dado Lumibao. Kaya, ngayon pa lang ay umpisahan na ang pagsubaybay sa buhay pamilya at buhay pag-ibig ng “The Legal Wife” na si Angel Locsin.

Tatlong beses hiniwalayan ng mister nabiyayaan sa sugod-bahay sa barangay sa Eat Bulaga

Wala mang suwerte sa kanyang buhay pag-ibig dahil tatlong beses nawalan ng mister. Tuloy pa rin ang buhay kay Ginang Mary Jane Salas na mag-isang binubuhay ang mga anak at inang nakatira sa kanya na may bukol pa suso.

Dahil sa kabaitan, malaking suwerte ang dumating sa buhay ni Mary Jane nang siya ang palaring manalo sa Sugod-bahay sa Barangay, sa lugar nila sa Brgy. San Rafael, Rodriguez Rizal. Personal na iniabot nina Dabarkads Jose at Paolo kasama si Val ang mga premyong napanalunan ng nasabing misis tulad ng cash prize na P10K at pagkain mula sa Coca-Cola, appliances from Hanabishi, O+Phone-6.1 Android, gift pack plus P5K na kaloob ng Purefoods Star Jumbo Hotdog, Cream All gift pack, P5,000 cash mula sa Davies Sun & Rain Paint, tig-P5K na galing naman sa Biofresh Sacks at Eveready Battery, brand new Honda CB 11o Motorcycle courtesy of Motortrade na may kasama pang jacket at helmet, groceries at dalawang sakong bigas at GC worth P5K from Puregold.

At siyempre pa ang Bossing Savings passbook with initial deposit at ATM. Bilang tulong sa inang maysakit at para sa pagpapa-check up ay binigyan ng Eat Bulaga si Ginang Mary Jane ng P50,000 at karagdagang P30K para sa pag-aaral naman ng kanyang mga anak.

Sa sobrang tuwa sa maraming blessings na ipinagkaloob sa kanya ng Bulaga ay napaluha si misis na winner at walang patid ang pasasalamat niya sa nag-iisang noontime show sa kanya na EB.

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top