Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Pasay City Chief Prosecutor Elmer Mitra hindi pa umano nasisibak

Pasay City Chief Prosecutor Elmer Mitra hindi pa umano nasisibak

00 Bulabugin JSY

SAYANG ‘este’ mabuti naman at hindi pa raw pala nasisibak si Pasay City chief prosecutor Elmer Mitra.

Marami pa raw kasing dapat tapusin … ibig bang sabihin ‘e maraming backlog?!

Huwag nang magtaka sa maraming backlog, ganyan daw talaga sa Pasay … makupad ang andar ng dokumento lalo na kung walang ‘padulas?’

Kaya kung may asunto kayo sa Pasay City, kung sino ang maraming ‘GRASA’  ay t’yak ‘yun daw ang mauuna!?

‘Yung walang ‘pampadulas,’ tiyak aabutin na raw ng siyam-siyam.

Anyway, palagay natin e hindi pa dapat matuwa si chief fiscal Mitra …

Mahigpit daw kasi ang kampanya ngayon ng Department of Justice (DoJ) na ‘linisin’ ang hudikatura at hubdan ng maskara ang mga ‘HOODLUM’ sa piskalya.

Lalo na ‘yung mga fixcal ‘este’ fiscal na adik sa Casino!

Suportahan ‘ta ka d’yan, Madam Leila De Lima … sana lang po ay BILISAN ninyo!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top