Saturday , October 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kaibigan ni Sen. Bong, gusting paaminin ang senador ukol sa PDAF

Kaibigan ni Sen. Bong, gusting paaminin ang senador ukol sa PDAF

KAPUPUTOK pa lang noong isang taon ng usapin tungkol sa pork barrel scam nang mapansin naming maluha-luha at lugmok sa lungkot ang isang taong napakalapit sa pamilya Revilla.

Si Senator Bong ay isa sa tatlong pinakamatataas na mambabatas na sangkot sa anomalya.

Kaya ang diretsong tanong namin sa aming nakaharap, ”Do you honestly believe that the senator is involved in the scam?”

There was a long pause, at saka bumuntong-hininga  ang aming kausap. Matipid at mahinahon niyang sagot, ”Oo.”  Pahabol pa niya, ”Sana umamin na lang siya (Bong).”

Program contract lang kasi ang pinirmahan…

RYAN, PUWEDE PANG BUMALIK NG TV5

PROGRAM contract lang ang pinirmahan ni Ryan Agoncillo sa  GMA, so it cannot be said that the TV host is a 100% certified Kapuso star lalo pa’t balitang ibabalik ng TV5 ang talent search naTalentadong Pinoy which he hosted for several seasons.

Sa ngayon, eksaktong one season o 13 weeks na ang nai-tape ni Ryan for his Saturday show, angPicture! Picture! As per contract, dalawang seasons nito ang kanyang pinirmahan.

This does not mean, however, that Ryan will cross back to TV5 after his GMA stint. Niluluto kasi ng News & Public Affiars ng GMA ang isang health program para kay Ryan, a show which he believes is right up hid alley.

Even young-looking at that, Ryan realizes the importance ng pagiging health-conscious dapat ng isang tao. Kuwento niya sa tuwing nakaka-bonding ang kanyang mga kaeskuwela, ”Kapag nagre-reunion kami, wala kaming pinag-uusapan kundi, ‘O, may maintenance ka na ba?’ Eh, sa talagang at our age, we should all give more importance to our health.”

Samantala, aminado si Ryan that hosting is what he does best and loves most although nasa acting din ang kanyang puso. Married to a topnotch actress, bilib daw si Ryan sa talento ng mga actor tulad ni Judy Ann Santos, ”Until now, even if I’ve done a handful of movies, curious pa rin ako sa acting that I’d like to be able to do it well.”

Rommel, taga-pigil ng ‘pagkapraning’ ni Robin

ROBIN PADILLA admits to being hot-tempered, much less violent.

Hindi nahiyang inamin ni Robin sa presscon ng family action drama na Sa Ngalan ng Ama, Ina at ng Mga Anak ng Star Cinema na ilang beses nang nabalam ang shooting nito all because of his temper.

Thanks to his elder brother Rommel, ito kasi ang may mahabang pasensiya aside from being the brains behind the project that took two and a half years in the making. Malimit daw na ika-bad trip ng action star ay ang paglobo ng production cost, kaya ”Stop shooting!” ang naiisip nitong solusyon.

But Rommel was tenacious enough para kumbinsihing ituloy ang pelikula, na isang dream-come-true nga namang pagsama-samahin ang ilang miyembro ng angkang Padilla: brothers Daniel, RJand Matt, Robin’s niece Bela and daughter Kylie, at higit sa lahat ang kanyang maybahay na si Mariel Rodriguez.

Dumating din daw ang panahong kinailangan nang tutukan ni Mariel ang production side sa tuwing “mapapraning” si Robin, dahilan para mag-away naman ang mag-asawa. But Mariel, in fairness, enjoyed the best of both worlds. Bukod kasi sa pagiging bahagi ng SNNAIAMA, she oversaw even the talent fees of its cast members.

Since literal na family movie ito, did any of the Padilla members lower his talent fee? Sa kaso ni Rommel, ayaw na raw niyang maningil ng talent fee para sa kanyang anak na si Daniel, but since it was Robin who decided to give the fees due them ay binayaran niya ang mga ito nang nararapat.

Sa Ngalan… opens on January 29 in cinemas nationwide.

Ronnie Carrasco III

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top