Saturday , October 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jhong, sobrang apektado sa nangyari kay Vhong

Jhong, sobrang apektado sa nangyari kay Vhong

ni Reggee Bonoan

ISA sa nag-perform sa Ginuman Festival 2014 sa Tutuban Mall, Manila (celebrating 180 years) ay ang kaibigan niVhong Navarro na si Jhong Hilario.

Kapansin-pansin na maski nakakatawa ang pinag-uusapan ng hosts ng show ay hindi namin nakitang ngumiti si Jhong kaya’t mas lalong napansin ang dancer/TV host na malungkot siya sa nangyari sa kaibigang si Vhong.

At kung gaano kadaldal ni Jugs Jugueta sa nangyari kay Vhong ay siya namang tipid magbigay ng detaye ni Jhong, “at saka na,” sabay iling ng TV host/dancer/hurado.

Iisa ang sapantaha ng entertainment media na nasa Ginuman Festival ng San Miguel Beer, “may alam si Jhong kaya ayaw niya magsalita o kaya pinigilan silang magsalita ng manager niyang si Chito Rono dahil si Jugs ay sobrang daldal.”

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top