Wednesday , October 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Politiko sa Lipa City nakasawsaw na sa Bookies/Jueteng (Pakibasa Mayor Maynard Sabili)

Politiko sa Lipa City nakasawsaw na sa Bookies/Jueteng (Pakibasa Mayor Maynard Sabili)

00 Bulabugin JSY
WALA raw kupas ang pamamayagpag ng ‘BOOKIES JUETENG’ ngayon sa Lipa City, Batangas.

Huwag daw tayong magtaka dahil ang mga politiko ay hindi lang protector kundi sila pa raw mismo ang operator ng JUETENG/BOOKIES sa lungsod ni Madam Gov. Vilma Santos Recto.

Mukhang gusto ngang ipahiya ng mga lekat si Gobernadora, dahil mismong sa lungsod pa ng Lipa, namamayagpag ngayon ang jueteng.

Katuwang o kasosyo umano ng isang Konsuhol ‘este’ Konsehal  na alias ‘PWE’ ang mga talunang politiko na sina alias G.I. at DOBOL M.

Sila umano ay nagpapakilalang malapit na malapit kay Lipa Vice Mayor Erik Africa.

Aba, Lipa City Mayor Maynard Sabili, mukhang hindi nasisindak sa iyo ang mga bagong operator ng Jueteng sa iyong lungsod.

Aksyon-aksyon ka rin Yorme Sabili.

‘Ala ‘e nababarako ka ba ng mga ilegalista?!

Pakisagot lang po!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top