Saturday , October 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Mga nasunugan sa New Era Compound, Protacio St., Pasay City namamalimos sa kalye

Mga nasunugan sa New Era Compound, Protacio St., Pasay City namamalimos sa kalye

00 Bulabugin JSY

“PARANG wala kaming Mayor.”

‘Yan po ang hinanakit ng mga nasunugan sa New Era Compound, Protacio St., Pasay City.

Ilang araw na po mula nang masunugan sila pero ni ha, ni ho ay wala man lang daw silang natanggap na assistance mula kay Pasay City Mayor Antonino Calixto.

Mukhang ‘busy’ pang masyado sa meeting si Yorme sa Resorts World o kaya sa Midas hotel…

Kahit man lang magpadala ng PURIFIED WATER ‘e hindi raw magawa ni Mayor gayong kailangang-kailangan ‘yan ng mga nasunugan lalo na ‘yung may mga sanggol.

‘E Pasay Congresswoman Emi Calixto, mukhang busy pa ang utol ninyo … malakas ang bulungan sa Pasay na sa next election ‘e tatakbo kang MAYOR, mabuti pa kaya ay umpisahan mo na ang paglilibot ngayon pa lang.

Umpisahan mo d’yan sa mga nasunugan.

Sa totoo lang, hindi mo na kailangan magpunta doon sa nasunog na lugar, makikita mo na sila d’yan sa Taft Avenue, d’yan na sila nakatira at d’yan na rin natutulog kasi hindi man lang sila inasikaso ng mga taga-City Hall?

Tsk tsk tsk …

Baka naman masyadong nalilibang ang UTOL mong si YORME sa mga kabayo n’ya?!

Paki-remind mo na lang, Congresswoman!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top