Wednesday , October 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Solenn, may ‘K’ umarte

Solenn, may ‘K’ umarte

About The Author

Letty G. Celi

NAGUSTUHAN ko ang pelikulang Mumbai Love’. Hindi mo ito dedeadmahin at lalong ‘di mo tutulugan. Ako kasi, ‘pag boring ang pinanonood kong pelikula o TV series humahapdi ang mata ko hanggang sa makatulog. Pero itong mala-Bumbay movie na produce ng isang Pinoy na may dugong Bombay na si Neil, ay kakaiba.

Hindi sayang ang perang ipinang-prodyus sa pelikulang ito dahil hindi basura. Hindi sasabit ang ulo mo ‘pag pinanood mo at hindi ka matutulog. Okey ka na Direk Benito, hindi kita knows. Kahit shadow mo kaya hindi ko aakusahang sipsip para purihin ka. May K kang mag-prodyus.

Itong si Solenn Heusaff, first time kong napanood at first time ko ring nakita in person, may K pala ang alaga ito sa acting. Puwedeng komedyana dahil nakatatawa siya. Sa drama, madaling mag-emote, maganda pa rin kahit nakaiiyak na ang gagawin.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top