Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sikat na singer actress, kunsimido sa ipinatatayong bahay

Sikat na singer actress, kunsimido sa ipinatatayong bahay

MUKHANG doble problemado ngayon ang isang sikat na singer-actress.

Una, tsugi na kasi sa ere ang kanyang lingguhang programa sa isang Estasyon, gayong halos kailan lang noong ipinagbanduhan ng network ang kakaibang pagsasanib-puwersa nila ng isangsongwriter-actor.

Ikalawa, and this is seems more problematic. Nasa almost completion stage na raw ang ipinatatayong bahay ng singer-actress nang huli na niyang matuklasang may problema umano sa kinatitirikan ng kanyang property.

Umano, pag-aari ng partido ng kanyang asawa ang lote. May kung anong problema raw sa hatian ng propriedad among her husband’s kin ang ugat ng isyung nagdudulot ngayon ng matinding sakit ng ulo ng singer-actress.

Da who ang kunsumidong bida sa kuwentong ito? Itago na lang natin siya sa alyas na Chicharon Serenata!

(Ronnie Carrasco)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top