Wednesday , September 24 2025

Sobrang lamig sa Baguio, Benguet nagdulot ng sakit

BAGUIO CITY – Patuloy ang babala ng Department of Health-Cordillera (DoH-CAR) sa publiko hinggil sa epekto ng patuloy na pagbaba ng temperatura sa lungsod ng Baguio at sa lalawigan ng Benguet.

Ito ay matapos maitala ngayon linggo ang nasa 18 katao na naospital sa Baguio Ge-neral Hospital and Medical Center dahil pa rin sa influenza-like illnesses tulad ng ubo at sipon.

Ayon kay DoH-CAR Regional Director Amelita Pangilinan, mas magandang manatili na lamang ang mga residente sa loob ng kanilang bahay para  mapanatiling ma-init ang katawan at maiwasan ang paghina ng immune system.

Aniya, makabubuti rin ang pagsusuot ng makakapal na damit, pagkain ng maiinit na pagkain, at ang palagiang paghuhugas ng kamay para maiwasan ang pagkalat ng influenza virus.

Bukod sa Baguio City, may mga report na rin sa iba’t ibang lugar sa bansa na maraming nagkakasakit dahil sa tumitinding lamig.

Nitong nakalipas na araw ay naitala ang pinakamababang temperatura sa lungsod ng Baguio na umabot sa 8.1 degrees Celsius, habang sa matataas na lugar sa lalawigan ng Benguet tulad ng Atok at Mankayan ay bumagsak pa sa mas mababa ang temperatura.

Sa kasaysayan ng Baguio City, noong Enero 18, 1961 ay umabot ang tindi ng lamig sa 6.3 degrees Celsius.

Inaasahan lalo pang bababa ang temperatura hanggang sa Pebrero.

(B. JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Tuba Benguet landslide bagyo Nando

Sa Tuba, Benguet
9 sugatan sa landslide sa pananalasa ng bagyong Nando

SUGATAN ang siyam katao sa ilang naiulat na mga insidente ng pagguho ng lupa sa …

Dead body, feet

Sa Tanza, Cavite
Bangkay ng lalaki natagpuan sa liblib na lugar

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa liblib na bahagi ng …

Sta maria Bulacan Police PNP

Motorsiklo tinangay, ipinang-roadtrip 2 kabataan timbog

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki at kaniyang kasamang menor de edad na itinurong …

Norzagaray Bulacan police PNP

P38-K kita ng tindahan sinikwat ng empleyado

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos tangayin ang kita ng tindahang pinagtatrabahuan sa …

Taguig PNP Police

Motorsiklo ninakaw, tinangkang ibenta; Pulis-Taguig timbog sa mga kabaro

NASAKOTE ang isang pulis na nakatalaga sa Taguig CPS matapos tangkang ibenta ang ninakaw na …