Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / News / NCRPO official kritikal sa ambush

NCRPO official kritikal sa ambush

KRITIKAL ang kalagayan ng isang opisyal ng National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki sa Calamba City, Laguna, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Supt. Vilma Sarte, nakatalaga sa Finance Department ng NCRPO.

Ayon kay Laguna Police Director, Senior Supt. Pascual Muñoz, inoobserbahan sa Calamba Doctor’s Hospital ang biktima  bunsod ng tama ng bala sa ulo at leeg.

Sinabi ni Muñoz, minamaneho ni Sarte ang kanyang sasakyan ngunit napilitan  bumaba sa isang intersection sa Brgy. Canlubang, dakong 8 a.m. nang pagbabarilin ng suspek na lulan ng kotse.

Inaalam ng Laguna Police kung alitan sa trapiko ang sanhi ng insidente. (DANG GARCIA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top