Saturday , October 24 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 2 parak niratrat 1 patay, 1 kritikal

2 parak niratrat 1 patay, 1 kritikal

PATAY agad ang isang pulis habang malubha ang kalaga-yan ng kanyang kasama makaraang pagbabarilin sa isang karinderya sa Brgy. San Agustin, Hagonoy, Bulacan.

Kinilala ang namatay biktima na si Alex Francisco, 37, residente ng Brgy. Sto. Nino, at nakatalaga sa Aurora Provincial Office.

Inoobserbahan sa Bulacan Medical Center ang ksamang pulis ni Francisco na si PO1 Jaydee Ventura ng Hagonoy PNP, residente rin sa nasabing barangay.

Sa inisyal na ulat ng pulis-ya, magkasabay na nag-aalmusal ang dalawang biktima sa isang karinderya ilang metro ang layo sa kanilang himplan, nang lapitan sila ng dalawang suspek saka pinagbabaril dakong 7:30 a.m.

Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa kanilang trabaho ang pamamaril sa mga biktima.          (DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top