Wednesday , October 21 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Wagi sa cara y cruz itinumba

Wagi sa cara y cruz itinumba

TIGOK  ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek, kahapon sa Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Raymond Masela, 27-anyos, residente ng Covenant Village, Brgy. Sila-ngan.

Ani PO2 Rhic Roldan Pittong, dakong 1:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa covered court ng nabanggit na barangay.

Papauwi na ang biktima, matapos maglaro at manalo  sa cara y cruz nang bigla siyang pagbabarilin sa dibdib at tiyan.

Matapos ang pama-maril, umeskapo ang suspek  sa ‘di mabatid na direksyon dala ang baril na ginamit.

Ani Pittong, aalamin pa nila kung sino ang hu-ling nakasama ng suspek bago ang pamamaslang.

(JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top