Wednesday , October 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Lolo nahulog sa alagang baka napisak sa truck

Lolo nahulog sa alagang baka napisak sa truck

NAPISAK ang katawan ng isang 72-anyos lolo nang mahulog sa sinasakyang alagang baka saka nasagasaan ng truck sa Bugallon, Pangasinan.

Sa imbestigasyon, patungo sa bukid ang biktimang si Rogelio Gamueda ng Brgy. Baybay Sur, Aguilar, para bisitahin ang mga pananim nang aksidenteng mahulog sa sinasakyang baka at nasagasaan ng truck.

Nabatid na nag-overtake ang nasabing truck at nagkataon nalaglag ang biktima kaya siya ay nasagasaan.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang driver ng truck na si Ronaldo Hagonoy, 35-anyos.    (BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top