Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 16-anyos buntis patay sa tandem (Sumama sa may asawa)

16-anyos buntis patay sa tandem (Sumama sa may asawa)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang 16-anyos buntis makaraang pagbabarilin ng riding in tandem kamakalawa ng umaga sa tapat ng inuupahan nilang bahay sa Block 100, 1-12 National Housing Authority (NHA) Resettlement Center sa Brgy, Pandacaqui, bayan ng Mexico.

Base sa ulat ni Supt. Samuel Sevilla, hepe ng Mexico Police, sa tanggapan ni Chief Supt. Raul Petrasanta, Central Luzon Police director, kinilala ang biktimang si Rialyn Sarmiento y Ravalo, dalawang buwan buntis, tubong Zaragoza, Nueva Ecija.

Ayon sa pagsisiyasat ni Supt. Sevilla, maaaring love triangle ang motibo sa pamamaril dahil ilang araw pa lamang nangu-ngupahan ang biktima kasama ang live-in partner na may asawa’t mga anak.      (L. AREVALO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top