Wednesday , October 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Ang hiwaga ng bulto at kilo-kilong Shabu na naging sachet-sachet na lang? (Attention: Anti-Illegal Drugs Committee ng Kongreso at Senado)

Ang hiwaga ng bulto at kilo-kilong Shabu na naging sachet-sachet na lang? (Attention: Anti-Illegal Drugs Committee ng Kongreso at Senado)

00 Bulabugin JSY

SPEAKING of intelligence, hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang Quezon City Police District (QCPD) at SOCO kung ano na ang nangyari sa SHABU na nakuha sa kwarto ng isang motel, kung saan natagpuan ang magsyotang sina Aisa Cortez at Ryan Guibon na wala nang buhay at may tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.

ANO na ba talaga ang nangyari d’yan Gen. Richard Albano?

Nasaan na ‘yung SHABU na nasa loob ng green aluminium foil pouch na mayroong Chinese powder tea label?

Mukhang ‘yung green aluminium foil pouch na ‘yun ay tig-iisang kilo ang laman at ayon sa ating impormante ay aabutin ng 12 pouch iyon pero sa press release ng QCPD ay sachet na lang!?

Sonabagan!!!

Mantakin ninyo ang 12 kilo ng shabu? Kung nawawala ‘yan, saan mapupunta? Babalik sa kalye na ang nagtutulak ay tiwaling lespu?

Gen. ALBANO Sir, ipabusisi mong mabuti ang ‘nawawalang’ shabu at baka isang umaga paggising mo ay ‘sumabog’ na ‘yan sa mukha mo.

Again, ‘intelligence’ lang po ang katapat n’yan General Albano!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top