Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Negosyante utas sa holdaper

Negosyante utas sa holdaper

AGAD binawian ng buhay ang 55-anyos negosyante makaraang barilin ng isa sa dalawang holdaper na sakay ng motorsiklo sa Brgy. Banga, Plaridel, Bulacan.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Olivert Oliveros, residente ng Brgy. Poblacion sa bayan ding ito.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong 2:30 p.m. kamakalawa habang nakatayo ang biktima at binabantayan ang kanyang Starex van (TDO- 558) na ipinalilinis sa Team Erls Carwash sa nabanggit na lugar, nang lapitan siya ng isa sa mga suspek at tutukan ng baril

Pumalag ang biktima at naagaw ang baril ngunit pinagbabaril siya ng isa pang suspek at pagkaran ay kinuha ang kanyang mamahaling alahas at pitaka saka mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo.         (DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top